top of page

3 weather system binabantayan ng PAGASA; ‘Pilandok’ nasa loob pa rin ng PAR

Sep 2
1 min read

Patuloy na binabantayan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Storm Pilandok, batay sa monitoring ng PAGASA-DOST alas-8:00 ng gabi ngayong Setyembre 2.

Samantala, nananatili sa labas ng PAR ang Tropical Storm Saudel, na dating tinawag na “Obet,” gayundin ang LPA 08m.

Ayon sa PAGASA, mayroon na lamang “low” chance ang LPA 08m na maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Sa kabuuan, tatlong weather system ang kasalukuyang binabantayan ng PAGASA—ang Pilandok sa loob ng PAR, at ang Saudel at LPA 08m sa labas nito.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na bulletin at advisory ng PAGASA-DOST para sa mga susunod na pagbabago sa mga binabantayang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page