top of page

PAGASA tutok sa tatlong weather system; ‘Pilandok’ patuloy na nasa loob ng PAR

Sep 3
1 min read

Tatlong weather system ang patuloy na binabantayan ng PAGASA, kabilang ang Tropical Storm Pilandok na nananatili sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring alas-8:00 ng gabi nitong Setyembre 2.

Samantala, patuloy na mino-monitor sa labas ng PAR ang Tropical Storm Saudel, na dating tinawag na “Obet,” at ang LPA 08m.

Ayon sa PAGASA, nananatiling “low” ang posibilidad na maging Tropical Depression ang LPA 08m sa loob ng susunod na 24 oras.

Pinapayuhan ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisory ng PAGASA-DOST para sa mga susunod na pagbabago sa mga binabantayang weather system.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page