top of page

300 Bulacan police personnel ide-deploy sa Metro Manila

Sep 21
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Umabot sa 300 personnel ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang inihanda bilang Civil Disturbance Management (CDM) contingent upang tumulong sa National Capital Region Police Office (NCRPO) kaugnay ng mga aktibidad para sa ika-54 anibersaryo ng deklarasyon ng Martial Law.

Nagsagawa ang Bulacan PPO ng physical accounting at Human Rights-Police Information and Continuing Education (PICE) para sa mga personnel noong Setyembre 20 sa covered court ng Bulacan PPO sa Camp General Alejo S. Santos sa Malolos City.

Pinangunahan nina PCPT Wilfredo Y. Dizon Jr., Duty Officer, at PMSG Phil-Americar Algecera, Duty Senior PNCO, sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Sean Logronio, Contingent Commander, ang accounting at briefing ng mga pulis bago ang kanilang deployment.

Kabilang sa mga tinalakay ang kahandaan ng contingent, pagsunod sa tamang police procedures at pagrespeto sa karapatang pantao habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.

Ayon sa Bulacan PPO, isinagawa ang briefing upang matiyak na handa at properly accounted for ang mga personnel na ipadadala bilang augmentation force sa NCRPO at naipaalala sa kanila ang pagsunod sa umiiral na mga protocol at batas.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page