top of page

300 college students lumahok sa safety information drive ng Pulilan PNP

Sep 16
1 min read

PULILAN, Bulacan — Humigit-kumulang 300 Criminology at Tourism students ng College of Our Lady of Mercy ang lumahok sa Information Drive na isinagawa ng Pulilan Municipal Police Station (MPS) bilang bahagi ng kampanya para sa kaligtasan at seguridad ng mga mag-aaral.

Tinalakay sa aktibidad ang campus security and safety, mga batas kaugnay ng pagsusuot ng helmet, anti-bullying, active shooter awareness, at Republic Act No. 11313 o Safe Spaces Act. Kasama rin sa talakayan ang gender-based sexual harassment sa mga paaralan, pampublikong lugar at online platforms.

Layunin ng programa na madagdagan ang kaalaman at kahandaan ng mga estudyante sa pag-iwas at wastong pagtugon sa mga posibleng banta sa kanilang kaligtasan, gayundin ang pagpapalaganap ng disiplina, respeto at responsableng pagkilos.

Nagkaroon din ng open forum kung saan nakapagtanong ang mga estudyante tungkol sa mga paksang tinalakay at mga hakbang na maaaring gawin sa aktuwal na sitwasyon.

Pinangunahan ni PLTCOL Eric C. Cister, Chief of Police ng Pulilan MPS, ang aktibidad. Nagpasalamat naman ang mga opisyal at staff ng paaralan sa Pulilan PNP at nagpahayag ng hangaring ipagpatuloy ang koordinasyon para sa kaligtasan ng mga mag-aaral.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page