top of page

300 kabataan sa Hagonoy, nanawagan ng pananagutan sa umano’y maanomalyang flood control projects

HAGONOY, Bulacan — Tinatayang 300 kabataan sa Brgy. San Agustin, Hagonoy ang nanawagan ng pananagutan kaugnay ng umano’y maanomalyang flood control projects habang ginugunita ang Linggo ng Kabataan noong Agosto 23.

“Ikulong na ’yan, mga kurakot!” ang naging panawagan ng mga kabataang lumusong sa baha bilang bahagi ng kanilang aktibidad.

Ayon kay Sangguniang Kabataan Chairperson Erwin Dela Cruz, nakatuon ang kanilang panawagan sa mga alegasyon ng anomalya sa flood control projects sa kanilang bayan. Naging paraan din umano ng mga kabataan ang paglusong sa baha upang maipahayag ang kanilang saloobin sa matagal nang problema ng pagbaha sa Hagonoy.

Batay sa datos ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), nakararanas ng pagbaha ang lahat ng 26 barangay ng Hagonoy mula pa noong Agosto 2.

Nananatili naman sa iba't ibang evacuation center ang 266 pamilya hanggang Agosto 27 dahil sa patuloy na epekto ng pagbaha sa bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page