top of page

39 PDL learners sa Pulilan nakatanggap ng educational assistance

Sep 16
1 min read

PULILAN, Bulacan — Kabuuang 39 Persons Deprived of Liberty (PDL) learners at mga kamakailang nakalaya ang nakatanggap ng educational assistance sa ilalim ng Abot-Kamay na Liwanag at PagSibol (ALS) Scholarship Program ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan noong Setyembre 14.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 34 PDL learners ng Pulilan Municipal Jail at limang recently released PDL, na bawat isa ay nakatanggap ng ₱1,500 quarterly educational assistance. Umabot sa ₱58,500 ang kabuuang halagang ipinamahagi.

Isinagawa ang payout sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni Social Welfare Officer III Hainah Evangelista, sa ilalim ng paggabay ni MSWDO Head Joliza D. Tayao, katuwang ang Pulilan Municipal Jail.

Ang Abot-Kamay na Liwanag at PagSibol Scholarship Program ay bagong educational assistance initiative ng LGU Pulilan para sa mga ALS learners, kabilang ang mga PDL na nagpapatuloy ng kanilang pag-aaral habang nasa loob ng pasilidad at mga nakalaya na at nagbabalik sa komunidad.

Pinangangasiwaan ang Pulilan Municipal Jail ni JINSP Brenden Y. Doria, Acting Municipal Jail Warden, habang tumulong din sa aktibidad si JO1 Christine Joy V. Nethercott, Help Desk Officer.

Layunin ng programa na suportahan ang pagpapatuloy ng edukasyon at rehabilitasyon ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page