top of page

50 guro, school personnel dumalo sa ‘Teacher’s Rights’ seminar

Oct 3
1 min read

PULILAN, Bulacan — Humigit-kumulang 50 guro at non-teaching personnel ang lumahok sa seminar na “Teacher’s Rights” ngayong Oktubre 3, 2026 sa Pavilion II, AIC Headquarters, Barangay Sto. Cristo, Pulilan.

Nagsilbing resource speaker si Vice Mayor Atty. Imee Cruz, na nagbahagi ng kaalaman hinggil sa mga karapatan ng mga guro at iba pang school personnel at sa mga usaping may kaugnayan sa kanilang propesyon.

Isinagawa ang seminar mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali bilang bahagi ng pagdiriwang ng Teachers’ Month at bilang paghahanda sa paggunita ng World Teachers’ Day sa Oktubre 5.

Layunin ng aktibidad na madagdagan ang kaalaman ng mga guro at non-teaching personnel hinggil sa kanilang mga karapatan at mabigyan sila ng praktikal na kaalamang magagamit sa kanilang trabaho at propesyon.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page