top of page

40 PUP Pulilan students sumailalim sa graphic design seminar

Oct 3
1 min read

PULILAN, Bulacan — Umabot sa 40 na third-year Entrepreneurship students ng Polytechnic University of the Philippines–Pulilan Campus ang lumahok sa ikalawang batch ng seminar na “Designs That Sell: Basic Graphic Design for Entrepreneurs” noong Oktubre 2.

Ginanap ang seminar mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa PUP Pulilan Library, kung saan tinalakay ang paggamit ng basic graphic design sa pagbuo, pagpresenta at pag-market ng mga produkto at negosyo.

Itinaguyod ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz ang seminar bilang bahagi ng pagsasanay para sa mga estudyanteng kumukuha ng Entrepreneurship. Dumalo rin siya sa programa at nakiisa sa pamamahagi ng certificates sa mga kalahok.

Layunin ng seminar na mabigyan ang mga estudyante ng praktikal na kaalaman sa graphic design na maaari nilang magamit sa branding, marketing at pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page