top of page

4Ps beneficiaries sa Pulilan, kinilala sa Pugay Tagumpay


PULILAN, Bulacan — Kinilala ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa isinagawang “Pugay Tagumpay: Kwento ng Pangarap, Pagtataya, Pagtataguyod at Pagbabago” ngayong Agosto 5 sa Municipal Conference Room.

Ang programa ay nagsilbing pagkilala sa mga 4Ps beneficiaries na nagtapos na sa programa matapos ang kanilang paglalakbay tungo sa mas matatag at maayos na pamumuhay.

Ipinaabot din ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos at nagpahayag ng pag-asang magsisilbing panibagong yugto ang kanilang pagtatapos upang maipagpatuloy ang pag-unlad ng kanilang mga pamilya.

Ang Pugay Tagumpay ay nagbibigay-pagkilala sa mga kuwento ng pagsisikap at pagbabago ng mga pamilyang naging bahagi ng 4Ps, habang hinihikayat silang patuloy na gamitin ang kanilang mga natutunan tungo sa mas matatag at produktibong kinabukasan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page