top of page

9 arestado sa anti-drug operations sa Bulacan; ₱199K shabu nasamsam

Sep 20
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Siyam na indibidwal ang naaresto habang mahigit ₱199,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng Bulacan Police Provincial Office (PPO).

Ayon sa Bulacan PPO, kabuuang 21 sachet ng hinihinalang shabu na may standard drug price na ₱199,512, isang caliber .38 na baril, mga bala at buy-bust money ang nakumpiska sa mga operasyon.

Sa San Jose del Monte, apat na drug suspects ang naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Poblacion 1 dakong 9:15 ng gabi noong Setyembre 19. Ayon kay PLTCOL Nelson M. Sardin, hepe ng SJDM City Police Station, anim na sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng tinatayang ₱102,000 ang nasamsam kasama ang isang caliber .38 na baril, mga bala at buy-bust money.

Lima pang indibidwal ang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng mga pulis sa Meycauayan, Angat, Malolos, Guiguinto at Plaridel. Nasamsam sa mga naturang operasyon ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱97,512.

Nasa kustodiya ng pulisya ang mga naaresto at mahaharap sa mga reklamong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Patuloy naman ang imbestigasyon at kaukulang legal na proseso sa mga kaso.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page