top of page

9 na miyembro ng Salin Lente, FPS Media PH, at TOYCON PH sasabak sa malawakang pag-uulat!


Handa nang sumabak ang grupong Salin Lente sa isa sa pinakamalaking pagtitipon ng mga toy collectors at pop culture sa bansa sa darating na June 12-14, matapos itong opisyal na makipagsosyo sa FPS Media Ph at sa TOYCON PH: The Philippine Toys, Hobbies, and Collectibles Convention.


Siyam na piling miyembro ng Salin Lente ang itatalaga upang magsilbing saksi at maghatid ng mga balita mula sa inaabangang kaganapan. Ang mga mapapalad na napiling miyembro ay sina Karole Adriano, Franzine Lozada, Icelle de Jesus, Cedrick de Jesus, Jasmine Asuncion, at Kaith Enriquez mula sa Dampol 2nd National High SChool, Eury Peralta, at Isha Reyes mula sa Sta. Peregrina High School at Jansen Olinares ng Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School.


Bilang bahagi ng kanilang pakikipagtulungan, inaasahang maghahatid ang grupo ng komprehensibong balita at serbisyo upang maipadama sa publiko ang sigla at saya ng kaganapan kahit hindi pisikal na nakadalo.


Kabilang sa mga pangunahing gawain na kanilang isasagawa ang Multi-Cam Live Stream. Gamit ang iba’t ibang anggulo at kagamitan, ipapalabas nila nang live sa social media page ang mga pangunahing aktibidad, eksibit, laruan, at mga espesyal na pagtatanghal sa buong tagal ng convention.


Pangalawa, Same-Day Edit, maglalabas agad ng mga maikli at kumpletong bidyo at ulat sa parehong araw ng pangyayari, upang agad na maibahagi ang mga pinakamalalaking kaganapan, mga nakitang kakaibang koleksyon, at mga naging kaganapan sa iba’t ibang bahagi ng programa.


At panghuli, ang Hour-by-Hour Live Text Updates, maglalathala at magbabalita ng patuloy at detalyadong mga ulat sa pamamagitan ng mga post at artikulo, kung saan ipaaalam nila sa oras-oras ang mga nangyayari, mga pagbabago sa iskedyul, mga tampok na bisita, at mga bagong bagay na makikita sa lugar.


Ang pakikipagsosyong ito ay patunay ng patuloy na paglago ng Salin Lente bilang isang mapagkakatiwalaang pinagmumulan ng balita at nilalaman at ng dedikasyon ng FPS Media Ph at TOYCON PH na dalhin ang pinakamahusay na karanasan sa bawat Pilipinong mahilig sa sining, laro, at kultura.


Manatiling nakatutok para sa mga oras-oras na ulat at eksklusibong materyales mula sa siyam na miyembro ng Salin Lente simula sa darating na linggo!



Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page