top of page

Adiwang, nagpamalas ng bangis kontra Saputra via TKO


Photo Courtesy: https://www.onefc.com/
Photo Courtesy: https://www.onefc.com/

Nagpakitang-gilas si Lito Adiwang matapos patumbahin si Indonesian fighter Eko Roni Saputra sa loob lamang ng 34 segundo sa Round 1 via Technical Knockout (TKO), sa kanilang 140-pound catchweight MMA bout sa ONE Fight Night 43 na ginanap sa Lumpinee Boxing Stadium, Bangkok, Thailand, kahapon ng gabi, ika-15 ng Mayo.


Kilala sa tawag na “Thunder Kid,” agad na ipinakita ni Adiwang ang agresibong opensa sa pagsisimula ng laban. Sinubukan ni Saputra na sumabay sa palitan ng suntok, ngunit mas naging epektibo ang mga atake ng Filipino fighter.


Sa gitna ng bakbakan, nakahanap ng butas si Adiwang sa depensa ng kalaban at tumama ng malinis na suntok na nagpatigil sa momentum ni Saputra. Mula roon, tuloy-tuloy na ang agresibong pag-atake ng Pinoy fighter.


Hindi na nakabawi si Saputra sa sunod-sunod na suntok ni Adiwang, dahilan upang pigilan ng referee na si Olivier Coste ang laban at ideklarang TKO ang panalo ng Pilipino.


Bago pa man matapos ang unang minuto ng laban, tuluyan nang naselyo ni Adiwang ang panalo, na naging dahilan ng malakas na hiyawan mula sa mga manonood sa arena.


 “I only showed that I can hang with the bantamweights, but I am going to hunt for that belt in the flyweight division. There’s a new kid in town in the flyweight division.” Aniya nang may pagmamalaki.


 “I want a top-five flyweight next. I want Hu Yong, let’s go!” Dagdag pa niya.


Ngayong nakuha ang panalo, nagliyab din ang record ni Adiwang sa 18-6 with a TKO finish na kanyang ika-10.


Dahil din sa TKO win, posibleng tumaas ang tsansa ni Adiwang na makuha ang belt at mapabilang sa Flyweight Division (MMA).

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page