top of page

Agosto 15 idineklarang special non-working day sa Bulacan


BULACAN — Idineklara ng Malacañang ang Sabado, Agosto 15, 2026, bilang special (non-working) day sa buong lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa Founding Anniversary ng lalawigan.


Batay sa Proclamation No. 1376, na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph G. Recto sa bisa ng awtoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., layunin ng deklarasyon na mabigyan ng sapat na pagkakataon ang mga Bulakenyo na makiisa at makilahok sa pagdiriwang ng anibersaryo ng lalawigan.


Nakalagay sa proklamasyon na nararapat lamang na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng Bulacan na ganap na maipagdiwang ang mahalagang okasyon, kaya't idineklara ang Agosto 15 bilang isang espesyal na araw na walang pasok sa trabaho sa buong lalawigan.


Ang Proclamation No. 1376 ay nilagdaan sa Lungsod ng Maynila noong Hulyo 30, 2026, at inilabas sa pamamagitan ng Office of the President.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page