top of page

Agosto 30, Special Non-Working Holiday sa buong Bulacan


BULACAN — Idineklara ang Agosto 30, 2026 bilang Special Non-Working Holiday sa buong Lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa ika-176 na anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. del Pilar.

Ang paggunita ay alinsunod sa Republic Act No. 7449 at Memorandum No. DRF-08172026-524.

Si Marcelo H. del Pilar, isang kilalang Bulakenyong propagandista at manunulat, ay isa sa mga pangunahing personalidad ng Propaganda Movement na nagsulong ng mga reporma at karapatan ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismong Espanyol.

Ang Agosto 30 ay nagsisilbing pagkakataon para sa mga Bulakenyo na alalahanin at bigyang-pugay ang kanyang buhay, mga isinulat, at mahalagang kontribusyon sa kasaysayan at pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page