top of page

AIC Volunteers namahagi ng lugaw sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st


PULILAN, Bulacan — Namahagi ng mainit na lugaw ang VM AIC Volunteers sa mga residente ng Brgy. Dampol 1st bilang bahagi ng patuloy na pagtulong sa mga Pulilenyong naapektuhan ng maulang panahon.

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, nagtungo ang mga volunteers sa komunidad upang maihatid ang mainit na pagkain at maipadama ang suporta sa mga residenteng nangangailangan.

Ayon sa Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, mahalagang patuloy na maiparamdam sa bawat mamamayan na walang Pulilenyong nag-iisa, lalo na sa panahon ng kalamidad at iba pang pagsubok.

Pinasalamatan din ang VM AIC Volunteers sa kanilang patuloy na pagkilos at pagtulong sa mga komunidad sa kabila ng masamang lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page