top of page

Aklat na "Campus Journalism 101," inilunsad sa Pulilan




PULILAN, Bulacan — Matagumpay na inilunsad ni Sir William C. Ortega ang kaniyang aklat na Campus Journalism 101 noong Hulyo 9 sa Pulilan District Hall na matatagpuan sa Pulilan Central School.


Dinaluhan ng mga guro at school paper advisers ang book launching, kung saan ipinakilala ang aklat na naglalayong magsilbing gabay sa pagtuturo at pagpapaunlad ng campus journalism sa mga paaralan.


Ayon sa mga dumalo, malaking tulong ang Campus Journalism 101 sa mga school paper adviser sa paggabay sa kanilang mga mag-aaral upang higit na mapaunlad ang kanilang kaalaman at kasanayan sa larangan ng pamamahayag.


Inaasahang magiging mahalagang sanggunian ang nasabing aklat sa paghahanda ng mga mag-aaral na nagnanais maging mahusay na campus journalists at sa patuloy na pagpapalakas ng kultura ng responsableng pamamahayag sa mga paaralan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page