top of page

Alternative work arrangements at learning modes, ipatutupad sa Bulacan at iba pang lugar ngayong Agosto 14

BULACAN — Ipatutupad ngayong Agosto 14 ang alternative work arrangements (AWA) sa mga

tanggapan ng pamahalaan sa Bulacan at ilang iba pang lugar dahil sa umiiral na lagay ng panahon, alinsunod sa Memorandum Circular No. 126.

Bukod sa Bulacan, sakop ng kautusan ang National Capital Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Cavite, Batangas, Rizal, Laguna, Quezon, at Occidental Mindoro.

Sa mga pampubliko at pribadong paaralan, ipatutupad din ang alternative learning modes sa lahat ng antas, maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang Local Chief Executive.

Samantala, tuloy ang operasyon ng mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo upang matiyak ang patuloy na pagtugon sa pangangailangan ng publiko.

Para naman sa pribadong sektor, nakasalalay sa desisyon ng kani-kanilang management ang suspensyon ng trabaho o pagpapatupad ng alternative work arrangements.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page