top of page

Alternative work, learning setup ipatutupad sa Bulacan ngayong araw dahil sa Habagat

Sep 10
1 min read

Ipatutupad ang alternative work arrangements sa mga tanggapan ng gobyerno at alternative learning modes sa mga paaralan sa Bulacan ngayong Huwebes, Setyembre 10, dahil sa inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng pinalakas na Habagat.

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 135, saklaw din ng kautusan ang National Capital Region, La Union, Pangasinan, Benguet, Bataan, Pampanga, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Maliban kung may ibang direktiba ang kani-kanilang Local Chief Executive, alternative learning modes ang ipatutupad sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa mga nabanggit na lugar.

Patuloy namang mag-ooperate ang mga ahensyang naghahatid ng basic at health services, disaster preparedness and response, at iba pang mahahalagang serbisyo.

Ang mga Contract of Service (COS) at Job Order (JO) workers na sasailalim sa alternative work arrangements ay babayaran ng kanilang kaukulang sahod alinsunod sa umiiral na mga patakaran at regulasyon.

Para naman sa pribadong sektor, nakasalalay sa pamunuan ng bawat kumpanya o establisimyento ang desisyon kung magsususpinde ng trabaho o magpapatupad ng alternative work arrangements.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page