top of page

Ang Paglalakbay ni Mika Aereen



Sa bawat palo, pagharang, at pagtalon, nakikita ang dedikasyon, husay, at pagmamahal sa laro ni Mika Aereen Marcaliñas Reyes sa tutok ng larangan ng volleyball sa Pilipinas. Siya ay kilala bilang isa sa pinakamahusay na middle blocker sa kasaysayan ng Premier Volleyball League. Hindi lamang siya hinahangaan dahil sa kaniyang angking tangkad o taas na 6'0 at likas na galing, kundi dahil sa kaniyang angking lakas, pagiging matatag, masipag, at tunay na inspirasyon sa maraming kabataan.


Nagmula sa bayan ng Pulilan, lalawigan ng Bulacan, nagsimula ang pagmamahal ni Mika sa volleyball noong bata pa lamang siya. Ang kaniyang talento ay agad na napansin, at ito ang naging susi para siya'y makapag-aral at makapaglaro para s De La Salle University. Habang nagtatapos ng kursong Bachelor of Arts in Psychology, ipinamalas niya ang kaniyang galing sa UAAP, kung saan si Mika ay naging pangunahing bahagi ng tagumpay ng koponang Lady Spikers.


Pagkatapos ng kaniyang pag-aaral sa kolehiyo, ipinagpatuloy ni Reyes ang kaniyang pagpalo sa propesyonal na antas, at ngayon ay naglalaro para sa PLDT High Speed Hitters. Sa loob ng maraming taon, napatunayan niyang hindi lamang siya isang ordinaryong manlalaro; siya ay isang lider at halimbawa ng kahusayan at dedikasyon. Kahit sa edad na 31, patuloy pa rin niyang ipinapakita ang mataas na antas ng kaniyang laro, na nagpapatunay na ang pagmamahal sa isang nakagawiang sport at gawain ay walang hanggan. Ang kanyang katawan at lakas ay laging nasa pinakamahusay na kondisyon—isang patunay ng kanyang disiplina, na lalo pang pinatunayan ng mga tagahanga na laging nagsasabing “slim pa at handang-handa pa ang idolo ng liga.”


Ipinakita niya na sa pamamagitan ng pagsisikap, pag-aaral, at pagmamahal sa ginagawa, maaaring maabot ang mga pangarap. Bilang isang atleta at bilang isang taong nakapagtapos ng kolehiyo, patuloy siyang nagpapatunay na ang tagumpay ay nakakamtan kapag pinagsama ang talino at lakas.


Sa bawat laro, sa bawat pagharap sa hamon, nananatili si Mika Aereen na isang tunay na idolo—hindi lamang dahil sa kanyang galing sa loob ng court , kundi dahil sa kanyang pagkatao at sa inspirasyong ibinibigay niya sa buong bansang Pilipino. Siya ay patunay na ang isang simpleng pangarap mula sa probinsya ay maaaring lumago at maging isang makinang na kuwento ng tagumpay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page