top of page

Angat River umabot sa 2.5 metro; Orange Warning itinaas


BALIWAG CITY, Bulacan — Umabot na sa 2.5 metro o above normal level ang lebel ng tubig sa Angat River System bandang alas-2:50 ng hapon ngayong Agosto 29, dahilan upang pairalin ang Orange Warning para sa mga komunidad na malapit sa ilog.

Batay sa datos ng Baliwag City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), patuloy ang pagtaas ng tubig na sinusukat sa flood meter sa ilalim ng General Alejo Santos Bridge o Baliwag-Bustos Bridge.

Mula sa 2 metro na naitala alas-11:15 ng umaga, nadagdagan ito ng kalahating metro at umabot sa 2.5 metro pagsapit ng alas-2:50 ng hapon.

Sa ilalim ng Orange Warning, pinapayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa Angat River System na maghanda sa posibleng paglikas at patuloy na subaybayan ang mga abiso mula sa lokal na pamahalaan at disaster response authorities.

Mahigpit ding ipinagbabawal ng Pamahalaang Lungsod ng Baliwag ang anumang aktibidad, partikular ang pagligo sa kahabaan ng ilog, upang maiwasan ang mga aksidente habang mataas at patuloy na tumataas ang lebel ng tubig.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page