top of page

Apat na wanted person, arestado sa magkakahiwalay na operasyon sa Bulacan


BULACAN — Apat na wanted person ang naaresto ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa magkakahiwalay na warrant operations sa Balagtas, City of San Jose del Monte, Guiguinto, at Meycauayan City noong Agosto 22.

Sa Balagtas, naaresto ang isang 58-anyos na lalaki sa Brgy. Burol 1st sa bisa ng warrant para sa dalawang bilang ng paglabag sa Section 5(B) ng Republic Act No. 7610. Isinagawa ang operasyon ng Balagtas MPS katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs). Nagtakda ang korte ng ₱80,000 na inirekomendang piyansa sa bawat kaso.

Sa City of San Jose del Monte, isang 29-anyos na lalaki naman ang naaresto sa Brgy. Sto. Cristo ng pinagsanib na puwersa ng SJDM CPS at 301st Mobile Company, RMFB 3. May warrant laban sa kanya kaugnay ng kasong Less Serious Physical Injuries sa ilalim ng Article 265 ng Revised Penal Code, para sa service of sentence.

Naaresto naman sa Brgy. Malis, Guiguinto ang isang 23-anyos na akusado sa kasong Robbery in an Inhabited House or Public Building or Edifice Devoted to Worship. May inirekomendang piyansang ₱72,000 ang korte para sa kaso.

Sa Meycauayan City, naaresto sa Brgy. Bancal ang isang 72-anyos na akusado na may warrant kaugnay ng tatlong kaso ng paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 (BP 22). Nagtakda ng ₱1,000 na inirekomendang piyansa sa bawat kaso.

Nasa kustodiya na ng kani-kanilang police station ang apat na naaresto habang isinasagawa ang kinakailangang dokumentasyon at iba pang legal na proseso.

Ayon kay PCOL Jay B. Baybayan, Acting Provincial Director ng Bulacan PPO, patuloy na paiigtingin ang warrant at manhunt operations laban sa mga wanted person bilang bahagi ng kampanya ng kapulisan para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan sa lalawigan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page