top of page

ASEAN delegates pinag-aralan ang nature-based flood solution sa Malolos

Sep 29
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Bumisita sa Malolos ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa para sa ASEAN Cross-Learning Event 2026, isang tatlong-araw na pagtitipon na nakatuon sa climate resilience at mga solusyong nakabatay sa kalikasan.

Kabilang sa delegasyon si Roderick Wols, Ambassador ng Kingdom of the Netherlands sa Pilipinas. Ayon sa opisyal na website ng Netherlands, nagsimula siyang magsilbi bilang Dutch ambassador sa bansa ngayong 2026.

Isa sa mga pangunahing pinag-aralan ng mga delegado ang Nature-Based Solution (NBS) na ipinatutupad ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pangunguna ni Mayor Christian Natividad bilang bahagi ng mga hakbang laban sa pagbaha at coastal hazards. Ayon sa lungsod, Malolos ang unang siyudad sa bansa na nag-adopt ng naturang NBS na idinisenyo sa Netherlands.

Gumagamit ang proyekto ng mga materyales at natural na proseso sa halip na umasa lamang sa konkretong flood-control structures. Kabilang sa mga paraang ginagamit sa Malolos ang bamboo-based structures na tumutulong sa pagpapahina ng puwersa ng tubig, pag-ipon ng sediment at pagpapanumbalik ng coastal ecosystem. Kamakailan ay binanggit din ng Department of Public Works and Highways ang bamboo cribbing project ng Malolos bilang halimbawa ng nature-based flood mitigation.

Bahagi ang pagbisita sa pagpapalitan ng kaalaman at karanasan ng mga bansang ASEAN sa pagbuo ng mga komunidad na mas handa sa pagbaha, climate change at iba pang climate-related risks.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page