top of page

Atty. Imee Cruz, Youth in Action; Namahagi ng almusal sa Brgy. Inaon


PULILAN, Bulacan — Naghatid ng mainit na lugaw at sopas sina Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga boluntaryo ng Youth in Action Pulilan, para sa mga bata sa Barangay Inaon bilang bahagi ng kanilang patuloy na programa ng paglilingkod sa komunidad.


Bukod sa pamamahagi ng almusal, naging pagkakataon din ang pagbisita upang personal na makumusta ang mga residente at makipagkuwentuhan sa mga Pulilenyo tungkol sa kanilang kalagayan at pangangailangan.


Ayon kay Vice Mayor Cruz, mahalagang mapanatili ang malapit na ugnayan sa mga komunidad upang mas maging epektibo ang pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.


Nagpasalamat naman ang mga magulang at residente ng Barangay Inaon sa ipinakitang malasakit at oras na inilaan ng grupo para sa kanilang barangay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page