top of page

Bagong LPA sa labas ng PAR, mataas ang posibilidad na maging Tropical Depression


PILIPINAS — Isang Low Pressure Area (LPA 08d) ang patuloy na binabantayan sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 11.

Ang LPA 08d ay mayroon nang mataas (HIGH) na posibilidad na lumakas at maging isang Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Bagama't nananatili pa sa labas ng PAR ang naturang sama ng panahon, patuloy na binabantayan ang pag-unlad at galaw nito para sa anumang pagbabago sa kondisyon.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at advisory ng DOST-PAGASA para sa mga susunod na update hinggil sa LPA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page