top of page

Bagong Salin Lente members sumabak sa journalism training

Sep 6
1 min read

PULILAN, Bulacan — Sinalubong ng pagsasanay sa pamamahayag ang mga bagong miyembro ng Salin Lente: Pulilan Film Society sa isinagawang Multimedia Training noong Setyembre 5 sa Pavilion II, AIC Headquarters sa Barangay Sto. Cristo, Pulilan.

Tinalakay sa training ang pagkakaiba ng mga anyo ng journalistic writing at kung paano inaangkop ang estruktura, estilo at presentasyon ng isang akda batay sa layunin at kategorya nito.

Kabilang sa mga bagong miyembro ang mga mag-aaral mula sa Sta. Peregrina High School, Bajet-Castillo High School, Engr. Virgilio V. Dionisio Memorial High School, Academia de Pulilan, National University Baliwag, at Bulacan State University–Malolos.

Bahagi ang aktibidad ng patuloy na multimedia training ng Salin Lente upang mabigyan ang mga kabataang miyembro ng kaalaman at praktikal na kasanayan sa journalism at media production.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page