top of page

Bagong SPTA, HRPTA officers ng Bajet-Castillo High School nanumpa

Sep 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Isinagawa ang Oath Taking Ceremony ng mga bagong halal na SPTA at HRPTA officers ng Bajet-Castillo High School, bilang pormal na pagsisimula ng kanilang panunungkulan sa paaralan.

Nakiisa sa seremonya ang Tanggapan ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz, kasama ang mga opisyal ng paaralan, mga guro, magulang at iba pang bahagi ng school community.

Inaasahang magsisilbing katuwang ng paaralan ang mga bagong opisyal sa mga programa at gawaing naglalayong suportahan ang kapakanan at pag-aaral ng mga estudyante, gayundin ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga magulang at guro.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page