top of page

Bagyong Bavi, lumabas na sa monitoring domain ng PAGASA


Lumabas na sa monitoring domain ng PAGASA ang Bagyong Bavi, na dating tinawag na Inday habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR), ayon sa weather bulletin na inilabas alas-8:00 ng gabi noong Hulyo 11.


Dahil dito, wala nang aktibong binabantayang tropical cyclone ang PAGASA na maaaring makaapekto sa bansa sa kasalukuyan.


Ayon pa sa ahensya, wala ring mino-monitor na Low Pressure Area (LPA) o anumang sama ng panahon na may posibilidad na mabuo bilang tropical cyclone sa ngayon.


Bagama't wala pang namamataang bagong bagyo o LPA, hinihikayat pa rin ng PAGASA ang publiko na patuloy na subaybayan ang mga opisyal na weather bulletin at advisories para sa mga susunod na update tungkol sa lagay ng panahon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page