top of page

Bagyong Maymay humina bilang Tropical Depression; Dolphin nananatili sa labas ng PAR


Humina ang Bagyong Maymay, na may international name na Kujira, mula Tropical Storm at ibinaba na sa kategoryang Tropical Depression, ayon sa weather update alas-8:00 ng umaga ngayong Agosto 6.

Patuloy na mino-monitor ng DOST-PAGASA ang Tropical Depression Maymay habang nananatili ito sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Samantala, patuloy ding binabantayan ang bagyong may international name na Dolphin, na kasalukuyang nasa labas ng PAR.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto at patuloy na subaybayan ang mga opisyal na tropical cyclone bulletin at weather advisory ng DOST-PAGASA para sa mga pinakabagong impormasyon hinggil sa galaw at kondisyon ng mga bagyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page