top of page

Bagyong Neneng nasa labas na ng PAR; dalawang LPA patuloy na binabantayan


PILIPINAS — Patuloy na binabantayan ang LPA 08f, dating Tropical Depression Neneng, matapos itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR), batay sa monitoring update alas-2:00 ng hapon ngayong Agosto 21.

Ang dating Neneng ay may “MEDIUM” o katamtamang posibilidad na muling lumakas at maging Tropical Depression sa loob ng susunod na 24 oras.

Samantala, binabantayan din sa labas ng PAR ang LPA 08h, na mayroon ding katamtamang posibilidad na maging Tropical Depression sa susunod na 24 oras.

Nananatili rin sa labas ng PAR ang Severe Tropical Storm Saudel, na patuloy na mino-monitor para sa anumang pagbabago sa lakas at galaw nito.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga opisyal na weather bulletin at update mula sa DOST-PAGASA.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page