top of page

Bagyong Obet pumasok na sa PAR, inaasahang agad din lalabas


Pumasok ang Bagyong Obet sa Philippine Area of Responsibility (PAR). Nang alas-5 ng hapon,namataan si Obet sa layong 1,350 kilometro silangan—hiagang silangan—ng Northern Luzon. Ala-1:20 ng hapon nitong Lunes, Agosto 24, pumasok ang Bagyong Obet.

Ang bagyo ay may lakas ng hangin na 165 kph at pagbugso hanggang 205 kph, at kumikilos sa bilis na 30 kph patungong hilagang-kanluran.

Mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA),  mananatili si Obet sa Philippine Sea at inaasahang aalis si Obet sa PAR ng Lunes ng gabi o Martes ng umaga, Agosto 25.

Bagama't hindi direktang tatama sa bansa, palalakasin ni Obet ang Habagat na magdadala ng malalakas na pag-ulan sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visayas, Northern Mindanao, Dinagat Islands, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Davao Occidental, at Davao Oriental.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page