top of page

Balatong A tumanggap ng regional, provincial awards

Sep 23
1 min read

PULILAN, Bulacan — Tumanggap ng ilang pagkilala ang Barangay Balatong A sa Pulilan, kabilang ang pagiging Regional Awardee ng B.E.S.T. at Provincial Winner ng Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA).

Nakamit din ng barangay ang 100% or Higher Barangay Inhabitants Encoding, bilang pagkilala sa accomplishment nito sa pagtatala ng impormasyon ng mga residente batay sa itinakdang target.

Natanggap ang mga pagkilala sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Lorie Sicat, kasama ang mga opisyal at kawani ng barangay.

Kabilang sa mga parangal ang pagkilala sa pagpapatupad ng barangay governance programs at sa mekanismo ng Lupong Tagapamayapa, na nagsisilbing community-based system para sa pag-aayos ng mga alitan sa antas ng barangay.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page