top of page

Barangay Caravan, naghatid ng iba’t ibang serbisyo sa Brgy. Dampol 2nd


PULILAN, Bulacan — Muling inilapit ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang iba't ibang serbisyo ng pamahalaan sa mga residente sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Barangay Caravan sa Dampol 2nd National High School.


Nagkaisa ang iba't ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan upang magbigay ng mga serbisyong pangkalusugan, pangkabuhayan, legal, at iba pang programang naglalayong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan nang mas mabilis at mas maginhawa.

Bahagi ang Barangay Caravan ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na ilapit ang mga pangunahing serbisyo sa bawat barangay upang mas marami pang residente ang makinabang nang hindi na kinakailangang magtungo sa munisipyo.


Ang programa ay ipinatutupad sa ilalim ng Barangay Caravan Ordinance, na pinagtibay ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan katuwang si Mayor RJ Peralta, bilang hakbang upang mapalawak ang access ng mga Pulilenyo sa iba't ibang serbisyong iniaalok ng pamahalaan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page