top of page

Barangay tanod sa Pulilan, binigyang-pugay sa ika-36 na Araw ng mga Barangay Tanod

PULILAN, Bulacan — Binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng Pulilan ang mga barangay tanod sa bayan sa pagdiriwang ng ika-36 na Taong Araw ng mga Barangay Tanod na ginanap sa Pulilan Central School.

Naging sentro ng aktibidad ang pagkilala sa mahalagang papel ng mga barangay tanod sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa kani-kanilang komunidad.

Kinilala rin ang kanilang patuloy na pagbabantay at agarang pagtugon sa iba't ibang insidente at pangangailangan ng mga residente, kabilang ang kanilang pakikipagtulungan sa mga lokal na awtoridad sa pagpapatupad ng peace and order at public safety initiatives.

Sa pagdiriwang, nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Bayan sa mga barangay tanod sa kanilang oras, lakas, at sakripisyong inilalaan sa paglilingkod at pagbabantay sa mga komunidad sa Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page