top of page

Baybayin writing workshop isinagawa sa Bulacan

Sep 17
1 min read

MALOLOS CITY, Bulacan — Isinagawa ang “Bookas Para sa Lahat: Baybayin Bulacan: Palihan sa Sinaunang Pagsulat” noong Setyembre 17 sa Nicanor Abelardo Auditorium, Hiyas ng Bulacan Cultural Center sa Lungsod ng Malolos.

Layunin ng palihan na palawakin ang kaalaman at pag-unawa ng mga kalahok sa Baybayin bilang bahagi ng kasaysayan, kultura at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Pinangunahan ang aktibidad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Bulacan Provincial Library at Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office (PHACTO).

Sa palihan, tinalakay ang mga pangunahing kaalaman tungkol sa Baybayin at binigyan ang mga kalahok ng pagkakataong aktuwal na magsanay sa paggamit ng sinaunang sistema ng pagsulat.

Bahagi ang aktibidad ng mga programang naglalayong mapalawak ang pagpapahalaga at kaalaman ng publiko sa kasaysayan at kulturang Pilipino.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page