top of page

BCHS nakatanggap ng security threat; mga estudyante pinauwi



PULILAN, Bulacan — Pinauwi ng pamunuan ng Bajet-Castillo High School (BCHS) ang lahat ng mag-aaral nitong Hulyo 27 matapos makatanggap ang opisyal na Facebook page ng paaralan ng isang mensahe na may kaugnayan sa umano'y banta sa seguridad.


Ayon sa pabatid ng paaralan, agad na iniulat ang insidente sa Pulilan Municipal Police Station (MPS) at iba pang kinauukulang ahensya upang maisagawa ang beripikasyon at maipatupad ang mga kinakailangang hakbang sa seguridad. Nakipag-ugnayan din ang mga adviser sa mga magulang sa pamamagitan ng kanilang group chats upang matiyak ang maayos na pagpapauwi sa mga mag-aaral.


Bilang pag-iingat, kinansela rin ang panghapon na klase. Samantala, ipatutupad muna ng paaralan ang Alternative Delivery Mode (ADM) upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga estudyante habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa mga awtoridad.


Ayon sa pamunuan ng BCHS, nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at kawani. Sa oras ng pag-uulat, wala pang inilalabas na opisyal na resulta ang mga awtoridad hinggil sa beripikasyon ng naturang security threat.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page