top of page

BFP Pulilan, dumalo sa public hearing kaugnay ng reklamo laban sa junk shop sa Brgy. Sto. Cristo


PULILAN, Bulacan — Dumalo ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa isang public hearing noong Hulyo 9 kaugnay ng reklamong inihain laban sa operasyon ng isang junk shop sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan.


Pinangunahan ang pagdalo ng BFP sa ilalim ni FSSUPT Bernard T. Rosete, DSC, Acting Regional Director ng BFP Region 3, sa superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, DSC, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa pamumuno ni FSINSP Khenlee D. Bawing, ang bagong talagang Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station.


Tinalakay sa public hearing ang mga isyung may kaugnayan sa operasyon ng nasabing junk shop, kabilang ang mabahong amoy, kalinisan, at iba pang suliraning nakaaapekto sa mga nakapaligid na residente at komunidad.


Ayon sa Bureau of Fire Protection, bahagi ng kanilang tungkulin ang pakikibahagi sa mga inter-agency activities at mga usaping pangkomunidad upang makatulong sa pagsusulong ng kaligtasan, kalusugan, at kapakanan ng publiko.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page