top of page

BFP Pulilan, nagbigay ng fire safety at emergency response coverage sa pagbisita ng Pangulo


PULILAN, Bulacan — Nagpatupad ang Bureau of Fire Protection (BFP) Pulilan ng fire safety at emergency response coverage noong Hulyo 8 kaugnay ng pagbisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bayan ng Pulilan para sa National Kick-Off ng School-Based Feeding Program (SBFP) at Milk Feeding Activity.


Pinangunahan ang deployment ni FSSUPT Bernard T. Rosete, DSC, Acting Regional Director ng BFP Region 3, sa ilalim ng superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, DSC, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa paggabay ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan.


Nakaantabay ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa North Polo Club upang matiyak ang kahandaan sa anumang emergency sa pagdating at pag-alis ng Pangulo bago ito nagtungo sa Pulilan Central School para sa paglulunsad ng pambansang feeding program.


Ayon sa BFP, bahagi ng kanilang mandato ang pagpapanatili ng kahandaan sa pagtugon sa mga insidente at pagbibigay ng suporta sa mahahalagang aktibidad ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page