top of page

BFP Pulilan nagsagawa ng water level monitoring at clearing operations dahil sa Habagat


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng roving, water level monitoring, clearing operations, at coordination activities ang mga tauhan ng Pulilan Fire Station sa iba't ibang barangay sa bayan bilang tugon sa patuloy na epekto ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.

Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng pamumuno ni FSINSP Khenlee D. Bawing, Municipal Fire Marshal ng Pulilan Fire Station, sa superbisyon ni FSSUPT Jose Raymund B. Manimbo, Provincial Fire Marshal ng BFP Bulacan, at sa pangkalahatang pamumuno ni FSSUPT Bernard T. Rosete, Acting Regional Director ng BFP Region III.

Kabilang sa mga isinagawang hakbang ang pagbabantay sa lebel ng tubig sa mga lugar na maaaring bahain, paglilinis at clearing operations, at pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang mabilis na pagtugon sa anumang emergency.

Patuloy namang nakaalerto ang Pulilan Fire Station habang nararanasan ang masamang panahon upang makatulong sa pagprotekta sa buhay at ari-arian at mapanatili ang kahandaan ng mga komunidad sa Pulilan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page