top of page

Bianca Umali sa likod ni Ella Arcangel, bumida sa entablado ng TOYCON PH Nexus


Naging kapana-panabik para sa mga tagahanga ang pagpunta ni Bianca Umali, ang boses sa likod ni Ella Arcangel mula sa komiks na "Awit ng Pangil at Kuko," sa TOYCON Nexus sa SMX Convention Center, Manila.


Dumagsa ang mga fan upang masilayan ang aktres na magbibigay-buhay sa isa sa mga tanyag at pinakamamahal na karakter sa lokal na komiks.


Sa pangunguna nina Bianca at Ella Arcangel, nasilayan ang masidhing pagdiriwang ng komiks, pop culture, collectibles, at fandom sa bansa. Ang kanilang paglahok ay naghatid ng kakaiba at hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng dumalo sa nasabing pagtitipon.

Dito, sinagot at ipinahayag ni Bianca ang tungkol kay Ella, na sinabi niyang karaniwang bata lamang, ngunit iba ang pagdating sa kaniyang mga kilos at gawa. Inisa-isa rin niya ang kaniyang pananaw base sa kasuotan pa lamang ni Ella.


Ipinaalam din niya na nasa proseso na ang animated movie ni Ella Arcangel.


Sa pangunguna nina Bianca at Ella Arcangel, nasilayan ang masidhing pagdiriwang ng komiks, pop culture, collectibles, fandom, at higit sa lahat, ang kumpiyansa bilang isang Pilipino. Ang kanilang paglahok ay naghatid ng kakaiba at hindi malilimutang karanasan para sa lahat ng dumalo sa nasabing pagtitipon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page