top of page

Bigat Sa Dilim


Sa maalinsangang init na dala ng tag-araw, lalo pang pinainitan ang mga puwitan ng mga mamamayan dahil sa 'di mawaring pagtaas ng presyo ng kuryente. Sa dating bill na 700, naging 7,000? Nagsisiyawang tanong ng taong-bayan, masosolusyonan na nga ba?


Ang mala-building na taas ng singil sa kuryente ay bunga ng maraming salik. Batay sa mga ulat, isa sa mga malalaking epekto ng pagtaas ng presyon ng kuryente ay ang mataas na demand ng kuryente ngayong tag-init — dahil sa walang sawang paggamit ng bentilador at aircon. Dagdag pa rito ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar, na nakakaapekto sa halos lahat ng sektor ng bilihin. Isa na rito ang pagtaas ng presyo ng imported na langis dahil sa mainit na alitan sa Middle East, na lalong nagpapahirap at nagpapataas ng pandaigdigang presyo ng petrolyo.


Hindi rin maaaring balewalain ang istruktura ng ating electric bill. Hindi lamang ito isang simpleng bayad sa konsumo. Ito ay binubuo ng iba't ibang pass-through charges na kinokolekta ng mga distribution utility katulad ng Meralco, subalit ipinapasa ito sa mga power suppliers, gobyerno, at iba pang ahensya. Kasama dito ang lifeline rate subsidy para sa mga hirap sa buhay, mga matatanda o senior citizens, at maging mga singil para sa renewable energy projects katulad ng Feed-in Tariff Allowance o (FIT-All) at Green Energy Auction Allowance o (GEA-All). Kung kaya't may marangal na tungkulin ang bawat singil na ito, ang pinagsama-samang epekto ay nagiging pabigat sa bulsa ng mga pang-ordinaryong mamamayan.


Paano nga ba natin 'to masosolusyonan? Hindi sapat ang panandaliang solusyon sa lumalalang krisis na ito. Kinakailangan natin ng komprehensibo at pangmatagalang pagtugon. Nararapat na isulong ang paghahanap at paggamit ng iba't ibang pinagkukunan ng enerhiya lalo na ang renewable energy upang mabawasan ang ating pagdepende sa imported na langis at mapatatag ang supply at presyo.


Bakit nga ba ang taong-bayan ang magbabayad para sa mga subsidiya na responsibilidad ng estado? Ang pagtaas ng singil sa kuryente ay hindi lamang simplang numero. Ito ay sukatan ng pagtaas ng pasanin ng bawat pamilyang Pilipino. Sa pagkakaisa ng mga gobyerno, mga matataas na kumpanya, at mga kapwa mamamayang Pilipino, masosolusyunan natin ang krisis na ito at maisisiguro ang mas maliwanag at mas abot-kayang kinabukasan para sa lahat.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page