top of page

BIR, itinaas sa 80k ang threshold sa write-off ng tax delinquent accounts


Naglabas ng bagong memorandum order ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang amyendahan ang polisiya kaugnay ng pangongolekta ng mga delinquent accounts at accounts receivable na may kaugnayan sa buwis.


Sa inilabas na Revenue Memorandum Order No. 011-2026 na pirmado ni Commissioner Charlito Martin R. Mendoza noong Mayo 12, itinaas ng BIR mula ₱20,000 tungo ₱80,000 ang “cost to collect threshold” para sa Accounts Receivable/Delinquent Accounts (AR/DA).


Ayon sa memorandum, layunin ng kautusan na gawing mas efficient at praktikal ang collection enforcement efforts ng ahensya, lalo na sa mga kasong hindi na umano “economically feasible” panghabulin o kolektahin.


Nakasaad din sa memorandum na ang mga kasong final, executory, at demandable na sakop ng naturang threshold ay maaari nang maging batayan para sa write-off ng ilang tax cases, alinsunod sa umiiral na batas, tuntunin, at proseso ng pamahalaan.


Binanggit din ng BIR na anumang umiiral na regulasyon o kautusan na salungat sa bagong memorandum ay awtomatikong pinawawalang-bisa.


Agad namang magiging mabisa ang naturang kautusan matapos itong mailabas ng tanggapan ng BIR National Office sa Quezon City.


Samantala, inaasahang magkakaroon ito ng epekto sa paraan ng pag-priority ng ahensya sa pangongolekta ng mga hindi nababayarang obligasyon sa buwis, lalo na sa maliliit na delinquent accounts.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page