top of page

Bocaue River patuloy na mino-monitor kasabay ng masamang panahon sa Bulacan

BOCAUE, Bulacan — Patuloy na binabantayan ang Bocaue River sa Bocaue, Bulacan, kasabay ng nararanasang masamang panahon sa lalawigan ngayong Agosto 29.

Batay sa monitoring update ng NLEX Corporation, patuloy nitong mino-monitor ang kondisyon ng ilog upang makapagbigay ng napapanahong impormasyon at makapagsagawa ng kaukulang pagtugon kung kinakailangan.

Ang pinakahuling sitwasyon ng Bocaue River ay naitala bandang alas-1:45 ng hapon.

Pinapayuhan ang mga residente, partikular ang mga nakatira malapit sa ilog at mabababang lugar, na manatiling alerto at patuloy na bantayan ang mga opisyal na abiso kaugnay ng lagay ng panahon at pagbaha.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page