top of page

Boses ng Kabataan, Pinalakas sa Pulilan


G. Mon Karlo Mangaran ng Dela Salle University - Manila, habang nagbibigay ng pagsasanay sa mga Miyembro ng Salin Lente at AIC Volunteers nitong May 9 sa Pavillion II sa Sto. Cristo, Pulilan
G. Mon Karlo Mangaran ng Dela Salle University - Manila, habang nagbibigay ng pagsasanay sa mga Miyembro ng Salin Lente at AIC Volunteers nitong May 9 sa Pavillion II sa Sto. Cristo, Pulilan

Nagsagawa ng seminar ukol sa Public Speaking  na pinangunahan ni G. Mon Karlo Mangaran para sa mga kabataang Pulileño bilang bahagi ng programang inilunsad ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz sa Brgy. Sto. Cristo, Pulilan, Bulacan, nitong Mayo 9.


Layunin ng aktibidad na mahubog ang kakayahan ng mga kabataan sa epektibong pakikipagtalastasan at mapalawak ang kanilang kaalaman sa wastong pagsasalita sa harap ng maraming tao, kabilang ang mga miyembro ng grupong Salin-lente at AIC Volunteers na lumahok sa nasabing seminar.

.

Sa naging talakayan, ibinahagi ni G. Mangaran ang kahalagahan ng malinaw na paghahatid ng mensahe, tamang paggamit ng boses, at pagkakaroon ng kumpiyansa habang humaharap sa publiko. Ayon sa kaniya, hindi lamang simpleng pagsasalita ang Public Speaking, kundi isang mahalagang kasanayan upang maipahayag nang maayos ang sariling pananaw at makahikayat sa mga tagapakinig. Binigyang-diin din niya na mahalaga ang wastong tindig, tamang emosyon, at maayos na daloy ng pananalita upang mas madaling maunawaan ng madla ang nais iparating ng isang tagapagsalita.


Tinalakay rin niya kung paano nakatutulong ang mahusay na komunikasyon sa pang-araw-araw na pakikisalamuha, pag-aaral, at maging sa pamumuno. Ani niya, ang kakayahang magsalita nang may linaw at kumpiyansa ay mahalaga sa pagbuo ng magandang ugnayan at tiwala sa sarili.


Aktibo namang nakibahagi ang grupong Salin-lente sa nasabing seminar. Para sa mga kalahok, naging malaking tulong ang programa upang mas mapaunlad ang kanilang kakayahan sa pagsasalita sa publiko at mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa larangan ng komunikasyon.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page