top of page

Boy and Girl Officials 2026, nahalal bilang paghahanda sa Linggo ng Kabataan


PULILAN, Bulacan — Nagsagawa ng halalan ang mga kabataang Pulilenyo para sa Boy and Girl Officials 2026 bilang bahagi ng paghahanda sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan sa Agosto.


Layunin ng programa na mabigyan ng pagkakataon ang mga nahalal na kabataan na maranasan ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pagtalaga sa kanila sa iba't ibang tanggapan ng Munisipyo ng Pulilan.


Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng pagkakataon ang mga Boy and Girl Officials na mas maunawaan ang proseso ng pamamahala at serbisyong pampubliko habang nakikipagtulungan sa mga lokal na opisyal at kawani ng pamahalaan.


Inaasahan ng lokal na pamahalaan na ang naturang programa ay makahihikayat sa mas maraming kabataan na maging aktibong kalahok sa pamayanan at magsilbing paghahanda sa susunod na henerasyon ng mga lider ng bayan.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page