top of page

Boy & Girl Officials 2026 nakiisa sa ika-31 sesyon ng Sangguniang Bayan ng Pulilan

PULILAN, Bulacan — Isinagawa ngayong araw ang Ika-31 Pangkaraniwang Pagpupulong ng Ika-12 Sangguniang Bayan ng Pulilan, sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Imee Cruz bilang Presiding Officer.

Naging bahagi ng sesyon ang mga Boy & Girl Officials 2026 counterparts ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, na nabigyan ng pagkakataong aktuwal na masaksihan kung paano isinasagawa ang isang regular na pagpupulong ng lokal na lehislatura.

Nasaksihan ng mga kabataan ang proseso ng pagtalakay sa mga panukala at mahahalagang usaping may kaugnayan sa pamamahala at kapakanan ng mga mamamayan ng Pulilan.

Layunin ng kanilang pakikibahagi na mabigyan sila ng mas malalim na pag-unawa sa lokal na pamamahala, paggawa ng mga ordinansa at resolusyon, at tungkulin ng mga halal na opisyal.

Inaasahang magsisilbing mahalagang karanasan ang kanilang paglahok upang mahikayat ang mga kabataang Pulilenyo na maging aktibo, responsable, at handang makibahagi sa paglilingkod sa komunidad sa hinaharap.


Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page