top of page

Boy Official 2026, naranasan ang aktuwal na operasyon ng BJMP Pulilan


Photo Courtesy: Pulilan Municipal Jail
Photo Courtesy: Pulilan Municipal Jail

PULILAN, Bulacan — Binigyan ng pagkakataon ang isang kalahok ng Boy/Girl Officials 2026 na masaksihan at maranasan ang aktuwal na operasyon ng Pang-Munisipyong Piitan ng Pulilan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan.

Si Angelo Peralta ang itinalagang counterpart ni JINSP Brenden Y. Doria, Acting Jail Warden ng Pulilan Municipal Jail, matapos ang panunumpa ng mga Boy/Girl Officials 2026.

Bilang bahagi ng kanyang exposure, inilibot si Peralta sa iba't ibang bahagi ng pasilidad at binigyan ng oryentasyon hinggil sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Nasaksihan din niya ang ilan sa mga programang ipinatutupad para sa Persons Deprived of Liberty (PDLs), kabilang ang Alternative Learning System (ALS) at mga livelihood program gaya ng pananahi ng kurtina.

Layunin ng aktibidad na mabigyan ang mga kabataan ng aktuwal na kaalaman tungkol sa pamamahala at serbisyo publiko, gayundin ang papel ng BJMP hindi lamang sa seguridad at pangangasiwa ng mga PDL kundi maging sa kanilang edukasyon, rehabilitasyon, at paghahanda para sa muling pagbabalik sa komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page