top of page

Brgy. Tibag kinilala bilang Natatanging Barangay sa Nutrisyon sa Bulacan

MALOLOS CITY, Bulacan — Kinilala ang Barangay Tibag ng Pulilan bilang isa sa mga Natatanging Barangay sa Nutrisyon, habang ginawaran din ng pagkilala ang Barangay Nutrition Scholar na si Marites Reyes, sa awarding ceremony na ginanap noong Hulyo 31 sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Lungsod ng Malolos.

Tumanggap ang Barangay Nutrition Committee (BNC) ng Tibag ng Natatanging Barangay sa Nutrisyon – Consolation Prize mula sa Provincial Nutrition Committee (PNC) ng Bulacan, sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO).

Ang pagkilala ay kaugnay ng naging partisipasyon ng Brgy. Tibag sa Provincial MELLPI Pro Evaluation noong Hunyo 24, kung saan sinuri ang pagpapatupad at performance ng iba't ibang nutrition programs ng barangay para sa taong 2025.

Bukod sa pagkilala sa barangay, ginawaran din si Marites Reyes bilang Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon – Consolation Prize bilang pagkilala sa kanyang ambag sa pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa komunidad.

Ang parangal ay nagsisilbing pagkilala sa sama-samang pagsisikap ng Barangay Nutrition Committee, mga nutrition worker, at pamunuan ng Brgy. Tibag sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at kalusugan sa kanilang komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page