top of page

BSKE postponement bill ipinadala na sa Malacañang

Sep 24
1 min read

Naipadala na sa Malacañang ang panukalang batas na naglalayong ilipat sa Nobyembre 2028 ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at gawing limang taon ang termino ng mga barangay at SK officials, ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian. Nauna nang pinagtibay ng Senado ang panukala at in-adopt ng Kamara ang Senate version.

Sinabi ni Gatchalian na wala pa siyang impormasyon kung lalagdaan o ibe-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala. Nauna nang sinabi ng Malacañang na rerepasuhin muna ng Pangulo ang mga probisyon nito bago magdesisyon.

Mahalaga ang magiging desisyon bago ang Setyembre 28, kung kailan nakatakdang magsimula ang filing ng Certificates of Candidacy (COCs). Ayon sa Comelec, magpapatuloy ang paghahain ng kandidatura at iba pang paghahanda para sa BSKE hangga't walang batas na nagbabago sa kasalukuyang election schedule.

Sa ilalim ng umiiral na batas, nakatakda pa rin ang BSKE sa Nobyembre 2, 2026 hangga't hindi nagiging batas ang bagong panukala.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page