top of page

Bulacan at mga lokal na pamahalaan, kinilala sa 2026 SubayBAYANI Awards

Oct 10
1 min read

MALOLOS, Bulacan — Tumanggap ng iba't ibang parangal ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ilang lokal na pamahalaan sa lalawigan sa 2026 Central Luzon SubayBAYANI Awards cum Infrastructure Governance Summit.

Kabilang sa mga natanggap ng Pamahalaang Panlalawigan ang SubayBAYANI Exemplar Award para sa Concreting of Farm-to-Market Road Project sa Barangay San Mateo, Norzagaray, gayundin ang Most Outstanding Performer Award at pagkilala bilang Best Local Project Monitoring Committee (LPMC) – Regional Finalist.

Kinilala rin bilang SubayBAYANI Exemplar Awardees ang Lungsod ng Malolos, Lungsod ng Meycauayan, Bayan ng Obando, at Bayan ng Pulilan.

Samantala, tumanggap ng Most Outstanding Performer Award ang Lungsod ng Meycauayan at Bayan ng Pulilan, habang kinilala bilang LIL Hub Partner ang Bayan ng Doña Remedios Trinidad.

Ginawaran naman ng SubayBAYANI Compliant recognition ang Lungsod ng San Jose del Monte.

Kabilang din sa mga Best Local Project Monitoring Committee (LPMC) – Regional Finalists ang Lungsod ng San Jose del Monte, Lungsod ng Meycauayan, at Bayan ng Angat.

Layunin ng SubayBAYANI Awards na kilalanin ang mga lokal na pamahalaang nagpapakita ng maayos na pamamahala, pagsubaybay, at pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastraktura na nakatutulong sa pagpapaunlad ng mga komunidad.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page