top of page

Bulacan Gov., Vice Gov; nanguna sa pamamahagi ng relief goods sa Pulilan

Sep 10
1 min read

PULILAN, Bulacan — Personal na bumisita sa Pulilan sina Bulacan Gov. Daniel R. Fernando at Vice Gov. Alex C. Castro upang pangunahan ang pamamahagi ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa mga residenteng nangangailangan ng tulong.

Bahagi ang pamamahagi ng patuloy na relief assistance ng pamahalaang panlalawigan sa mga komunidad sa Bulacan.

Nakiisa rin sa paghahanda at distribusyon ang mga frontliners, barangay officials, kawani, volunteers at iba pang katuwang upang maging maayos ang paghahatid ng relief goods sa mga benepisyaryo.

Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa pamahalaang panlalawigan at sa mga tumulong sa operasyon para sa patuloy na suporta at serbisyo sa mga mamamayang Pulilenyo.

Comments


Top Stories

Stay updated with the latest news from Pulilan. Subscribe to our newsletter for instant updates.

Contact us

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter

© 2023 by Pulilan News Hub. All rights reserved.

bottom of page